Magkakaroon na ba ng seryosong BF? (2)

Sulat mula kay Lovely ng Abangan Sur, Marilao, Bulacan
Problema:

1. Simula high school hanggang mag-college ako isang beses lang ako nagkaroon ng boyfriend at panandalian lang at hindi seryoso. Sa totoo lang sa edad kong 25 hindi pa ako nagkakaroon ng totohanan at makabuluhang relasyon na tumagal ng isang taon man lang.
2. Naisipan kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung kailan kaya ako magkakaroon ng seryoso at pang matagalang boyfriend? September 14, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Lovely ng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking medyo balingkinitan ang pangangatawan na madalas laging nagsusuot ng kulay na puti ang iyong magiging seryoso at totohanang boyfriend sa taon ding ito ng 2017 na nagtataglay ng zodiac sign na Taurus.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsang 8, 17, 26, 0, 18 o kaya’y 27 ang magiging boyfriend mo na makikilala mo sa isang pampasaherong sasakyan. Sa unang pagkikita nyo, magkakahulugan agad kayo ng loob hanggang sa ligawan ka nya at sagutin mo naman siya agad.
Luscher Color Test:
Bukod sa kulay na asul, mapalad ka rin sa kulay na puti, gray at berde. Lagi mong isuot ang nasabing kulay upang manatili sa iyo ang buenas at magandang kapalaran hindi lang sa pag-ibig kundi sa lahat ng aspeto ng buhay.
Physiognomy:
Mas mapalad ka sa buhok na maikli na pa-square kaysa sa kasalukuyan mong buhok na mahaba. Sa ganyang style ng buhok tulad ng nasabi na, sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon makakatagpo ka na ng seryoso at pang habang buhay na kasama.
Huling payo at paalala:
Lovely ayon sa iyong kapalaran, isang lalaking halos kasing edad mo rin ang darating. Ang lalaking ito na makikilala mo sa isang pampasaherong sasakyan ang iyo ng mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya na nakatkadang mangyari at maganap sa taon ding ito ng 2017 sa buwan ng Oktubre o kaya’y Nobyembre sa edad mong 26 pataas.

Read more...