Mga Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
4:15 p.m. Mahindra vs NLEX
7 p.m. Phoenix Petroleum vs Alaska
Team Standings: San Miguel Beer (9-1); Phoenix Petroleum (6-4); TNT KaTropa (6-4); Alaska (5-4); Rain or Shine (5-4); Star (5-4); Barangay Ginebra (5-5); Globalport (5-5); Blackwater (5-5); Meralco (3-7); Mahindra (2-7); NLEX (2-7)
PUNTIRYA ng Phoenix Petroleum Fuel Masters na makasiguro ng twice-to-beat incentive para sa quarterfinal round ng PBA Philippine Cup.
Ang Phoenix ay kasalukuyang nasa pangalawang puwesto na may 6-4 kartada katabla ang TNT KaTropa.
Kapag nanalo ang Fuel Masters sa laro nila ngayon laban sa Alaska Aces ay sigurado na itong magtatapos sa top four ng elims.
Kapag natalo naman ang Phoenix ay may pag-asa pa itong magtapos sa top four pero magdedepende ito sa resulta ng mga natitirang laro sa elims.
Tulad ng Phoenix, pakay din ng Alaska na makapagtapos sa top four at makakuha ng twice-to-beat edge sa quarterfinals kaya tiyak na hahataw din ito ngayon para makakuha ng panalo.
Kasalukuyang may 5-4 baraha ang Alaska at kapag nanalo ito ngayon ay aakyat ito sa pangalawang puwesto katabla ng TNT KaTropa.
Bago ang krusyal na labang ito ay maghaharap muna ang kapwa napatalsik na sa quarterfinals na Mahindra Flood Buster at NLEX Road Warriors umpisa alas-4:15 ng hapon.
Magkasalo sa huling puwesto ang Mahindra at NLEX na kapwa may 2-7 kartada.
Bukod sa dalawang kulelat na koponan ay tanging isang koponan lamang ang nakakasiguro na sa kahihinatnan nito sa quarterfinal round. Ito ang San Miguel Beermen na nangunguna na may 9-1 kartada.
Ang Rain or Shine (5-4), Star (5-4); Barangay Ginebra (5-5), Globalport (5-5) at Blackwater (5-5) ay nag-aagawan pa rin sa puwesto sa quarterfinals.