Excise Tax sa kotse wa epek sa trapik

NASA Kongreso na ang House Bill 4774 na naglalayong magpataw ng panibagong sistema ng pagbubuwis sa mga kotse na ibinebenta sa bansa. Sa panukala, balak ng Mababang Kapulungan na doblehin ang kasalukuyang excise na ipinapataw sa mga sasakyan.

Layunin ng bill ay bigyang solusyon ang tumitinding trapiko sa mga siyudad sa bansa sa pamamagitan ng pagtaas ng presyo ng mga kotse na binibili sa merkado.

Nitong nakaraang taon ay nakabenta ang automotive industry ng halos 450,000 na sasakyan sa bansa.

Ito ay halos 500% increase para sa benta ng industriya kung ikukumpara sa benta noong 2008.

Pero kung titingnan mo ang panukala ay parang hindi din maapektuhan si Juan dela Cruz sa bagong buwis dahil hindi naman talaga magbabago masyado ang presyo ng kotse base sa panukalang new tax schedule.

Halimbawa, ang mga sasakyan na may presyong P400,000 hanggang P600,000 ay bibigyan ng 4 porsiyentong buwis mula sa kasalukuyang 2 porsiyento.

Kahit sa P600,000, ang idadagdag ay P24,000 imbes na P12,000. Isama mo na ang VAT na 12 porsiyento at ang most probable SRP ng isang kotseng may halagang P600,000 pag naisampa na ang mga buwis ay nasa P698,000 lang. Pag hinati mo na ito sa 4-years to pay amortization at tinanggal mo na ang downpayment na madalas ay nasa P60,000 lang, lalabas na nasa P13,300 lang ang buwanang hulog ng kotse wala pa ang interest.

Walang epekto ito sa kasalukuyang presyo ng mga kotse sa merkado dahil ito naman talaga ang hulog na ginagawa ngayon sa mga kotseng katulad ng Toyota Wigo, Mitsubishi Mirage, Honda Brio, Chevy Spark, Suzuki Alto. Mga kotseng hindi lalampas ng P700,000 ang halaga.

Hindi makaka-apekto ang hakbang na ito sa tangkang pagbabawas ng dami ng kotse sa kalye dahil kaya ng Pilipino ang presyong ito lalo na sa pinadaling paraan ng mga car companies na makabili ng kotse nila.

Ang tanging tatamaan ng balaking pagtaas ng buwis na ito ay ang mga kotse na mahigit P1.5 milyon ang halaga dahil sa antas na ito ay nasa 60 porsiyneto na ang itataas ng kanilang buwis.

Kaya ang dating P1.5 milyon na kotse ay papatungan ng P900,000 at pag dinagdag mo ang 12% VAT ay magiging P2,688,000.

Read more...