Horoscope, January 27, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito kung sadyang sa iyo nakalaan ang magandang kapalaran, mapupunta sa iyo yon ng kusa. Iwasan ang kumplikadong pag-iisip matutong mag-relaks. Sa pag-ibig iinit ng kusa ang relasyon habang patuloy pang lumalamig ang panahon. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Red at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa taong ito ng 2017 tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madali kayong yumaman. Mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Malad ang 1, 10, 19, 25, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dheemari-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Hindi mo ba napapansin mabilis na nauubos ang pera? Ilunsad na ngayon ang malawakang pagtitipid. Kumbinsehin ang bawat miyembro ng pamilya na magtipid na din upang mas madali kayong uunlad. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Beejaa-Om.” Green at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Makuntento sa kasalukuyang buhay, wag maiingit sa mga nakikitang post sa FB. Sa pag-ibig, swak na swak sa iyo ang kasuyong Aquarius wag ng maghanap pa ng ba. Mapalad ang 3, 9, 27, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Namo-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Upang wag malungkot, wag mag-expect ng kung ano-ano, kumilos ka lang ng natural. Sa pag-ibig, isang Scorpio ang darating at kusang maaakit sa iyo. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Green at blue ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa taong ito wag matigas ag ulo, dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng kasuyo. Sa ganyang paraan, mas magiging okey ang inyong suyuan at mas malaking kita ng salapi ang kusang darating. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit-Om.” Silver at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa taong ito higit sa iyong inaasahan ang suwerteng darating. Sa pinansyal patuloy ang paglago ng kinikita. Sa pag-ibig makaka-date mo na rin sa wakas yong isang nilalang na noon mo pa pinapangarap na makasama. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Bukod sa green at buenas din ang blue.

Libra – (September 23-October 23) — Kapag maganda ang kapaligiran lalo kang susuwertehin at dadatnan ng magandang kapalaran. Kapag lagi kang in love, ganon din ang mangyayari, maraming suwerte ang kusang darating. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Krisna-Rama-Om.” Blue at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Hindi ka uunlad kung mananatiling nag-iisa kasusyong isinilang sa petsang 9, 18 at 27 ang magpapaligaya sa iyo. Sa pag-ibig okey ang ka-partner na Cancer o kaya’y Capricorn. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om.” Green at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa taong ito lalo kang susuwertehin kung marunong kang magpatawad. Kalimutan na ang maling nagawa ng kasuyo. Sa pinansyal, iwasang maging bulagsak at magastos, upang matupad mo na ang pangarap na sasakyan at sariling lupa at bahay. Mapalad ang 5, 17, 23, 26, 31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pukasa-Om.” Red at yellow ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Huwag pang himasukan ang buhay ng iba. Sariling kalakal na ikaw rin ang may gawa at umimbento, ang magpapayaman sa iyo. Sa pag-ibig, gawin mo lang ng gawin ang mga bagay na nagpapaligaya sa iyo wag mong itindihin ang sinasabi ng iba. Mapalad ang 6, 9, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Kung may nagawang pagkakamali wag ng ulitin pa! Habang nagpapakabuti at nagpapakumbaba darating ang limpak-limpak na salapi. Wag lokohin ang kasuyong Libra, dapat lang na maging tapat ka sa kanya. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Magiging matagumpay ang buhay sa larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi, dati pa rin – kapos at patuloy ang pangungutang. Kailangan mo ang isang Capricorn upang makaahon sa kahirapan at yumaman ka na. Mapalad ang 4, 19, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Yellow at orange ang buenas.

Read more...