Vice mayor ayaw papormahin ni mayor; nagsumbong sa tatay

ILANG buwan nang hindi nag-uusap ang mayor at vice-mayor ng isang lugar dito sa Metro Manila.

Sinabi ng ating Cricket na nag-ugat ang kanilang iringan dahil sa isyu ng illegal drugs.

Si vice mayor daw kasi ang dahilan kung bakit nabisto ang pagkakasangkot sa ilegal na droga ng kapatid ni mayor.

Ngayon pa lamang kasi ay lutang na ang pangalan ni vice mayor na tatakbo bilang mayor sa susunod na halalan.

Muling nagkainitan ang dalawa makaraang isulong ng bise alkalde ang isang tax measure na mabibigyan ng dagdag na benepisyo ang mga senior citizen at single parent sa kanilang lungsod.

Magandang tuntungan nga naman ito para kay “vice” para palutangin ang kanyang pangalan pero hindi ito nagustuhan ni mayor dahil bababa naman ang kita ng kanilang lungsod.

Kaagad na nagsumbong si vice sa kanyang ama ng kilalang political kingpin sa kanilang lugar.

Malaki rin kasi ang utang na loob ni mayor sa tatay ni vice na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makapwesto sa kanyang sariling posisyon.

Pero nagulat si vice dahil nauna na palang nagsumbong si mayor sa kanyang tatay.

Sinabi ng ating Cricket na mas pinaboran ng political kingpin ang pahayag ni mayor bagay na ipinagtatampo ngayon ni vice.

Pareho silang nagmamatigas kaya hanggang ngayon ay civil lang ang kanilang relasyon sa isa’t isa.

Ang mayor na bida sa ating kwento ay si Mayor B….as in Bawang.

Ang Vice Mayor naman ay si J….as in Jolly

Read more...