USAP-USAPAN ngayon sa social media ang litrato nina Jodi Sta. Maria at Baron Geisler na kuha sa burol ng yumaong ina ng kontrobersyal na aktor.
May mga natuwa sa nasabing larawan ngunit meron ding nangnega sa dalawa at nagsabing parang hindi raw tama ang ginawang pagpapa-picture ng dating magka-loveteam sa harap ng kabaong habang nakatawa pa.
Dumalaw si Jodi sa burol ng nanay ni Baron na si Gng. Gracia Geisler, 60, na namatay last Sunday dahil sa cancer. Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Baron ang photo nila ni Jodi sa harap mismo ng kabaong. Nasa St. Louie Memorial Chapel sa Mabalacat, Pampanga ang labi ng ina ni Baron.
Ayon sa ilang bashers, sana raw ay hindi na nagpalitrato ang dalawa na nakatawa pa. Pero sey naman ng ibang netizens walang masama sa ginawa nina Jodi at Baron. Na-miss lang daw siguro nila ang isa’t isa at na-excite ang aktor sa pagkikita nila ng kanyang ex-GF.