AKO po ay kinatawan ng mga kasamahan ko sa opisina. Mayroon po kasi kaming kaopisina, siya na po ang pinakamatagal sa amin, subalit may attitude problem po siya.
Lahat po halos kami sa opisina ay galit sa kanya dahil sa paninira niya sa iba naming kasamahan na nag-uugat nang pagkagalit ng amo namin doon sa taong siniraan niya.
Ang payo sa amin ng isa sa pinakamataas sa amin ay gumawa raw kami ng sulat at pirmahan naming lahat para siya ay patanggalin. Tama po ba ito? Kaya bago po sana namin gawin ito ay nais kong ikonsulta sa DOLE kung ito ba ay katanggap-tanggap at kung pwede ba itong maging grounds para matanggal siya sa trabaho. Salamat po sa payong inyong maibibigay.
Elvira Valdez
B-76 Kapitbahayan Navotas, Metro Manila
REPLY: Para kay Elvira, ang petisyon ng workers ay maaari gamitin sa inyong reklamo.
Maliban dito, isa rin itong patunay na may problema nga sa inirereklamong empleyado.
Pero kung gagagamitin itong grounds, depende na ito sa magiging desisyon ng kompanya.
Makabubuting alamin muna ang company policy nito. Ano ba ang na-violateng inirereklamong empleyado? At kung may mga patunay ba dito para maging basehan ng kanyang dismissal.
Sana po ay nakatulong ang aming sagot.
Thank you.
Celeste T. Maring
Information and
Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.