Magkakaroon na ba ng seryosong BF?

Sulat mula kay Lovely ng Abangan Sur, Marilao, Bulacan
Dear Sir Greenfield,

Simula high school hanggang mag-college ako isang beses lang ako nagkaroon ng boyfriend at panandalian lang at hindi seryoso. Sa totoo lang sa edad kong 25 hindi pa ako nagkakaroon ng totohanan at makabuluhang relasyon na tumagal ng isang taon man lang. Naisipan kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung kailan kaya ako magkakaroon ng seryoso at pang matagalang boyfriend? September 14, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Lovely ng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ayon sa maganda, mahaba at makapal na ikalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 2.) sa iyong palad, sa taong kasalukuyan 2017, tiyak ang magaganap magkaka-boyfriend ka na ng totohanan at pang matagalan.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Three of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustrtaion 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing halos kasing edad mo rin ang lalaking magiging boyfriend mo ng pangmatagal at sa taong kasalukuyan mo siya makikilala sa isang pampasaherong sasakyan.
Itutuloy…

Read more...