UMARIBA na naman ang matinding kamalasaduhan ng isang personalidad na matagal ding nawala dahil sa pagtatago sa kanyang mga pinagkakautangan. Pinaliit ng becking personalidad ang kanyang mundo.
Hindi siya artista pero mahilig siyang makipag-close sa mga artista. Nu’ng maayos pa ang kanyang kabuhayan showcase ay dinadaan niya sa mga bonggang-bonggang regalo ang mga natataypan niyang mhin.
Kuwento ng aming source, “Hanggang sa isa-isa nang magputukan ang kanyang mga tseke. Natural, kaliwa’t kanan din ang nagsampa ng kaso laban sa kanya. Magaling siyang magtago, madulas ang becki, pero walang katahimikan ang kanyang kalooban.
“Marami siyang idinamay sa kanyang pagpapanggap na madatung siya. May mga hiniraman siya ng checks na nalagay sa alanganin, ang mga taong ‘yun ang nanagot sa kanyang mga obligasyon dahil nagtatago na nga siya.
“Napakatangkad niya, pero paminsan-minsan lang nagkakaroon ng sighting ang mga otoridad, pero mahusay nga ang kanyang bokadura, kaya sa halip na ma-Julie Andrews (read: mahuli) siya, e, naglalagay na lang siya sa mga pulis na humuhuli sa kanya.
“Sinayang niya ang napakagandnag opportunity na siya lang ang nakagagawa nu’n. Puwede rin siya sa mundo ng showbiz, puwede rin siyang makalundag sa sports,” simulang kuwento ng aming impormante.
Marami pa rin siyang kaso hanggang ngayon, pero sa kabila nu’n ay umaandar pa rin ang magaling niyang bokadura, may mga napapaniwala pa rin ang becki sa mga kuda niya.
“Nakakaawa naman ang mag-asawang nagtiwala sa kanya. Hindi siya makakuha ng sasakyan dahil blacklisted nga siya. Inutu-uto niya ang mag-asawa na ipaglabas siya ng car, pero dumating na naman siya sa point na hindi nagbabayad ng monthly amortization.
“Ang mag-asawa ang nasira sa car company, pati sa kanilang ahente, kaya ang mag-asawa ang hindi makakuha ng car loan ngayon. Sira na ang name nila sa kagagawan ng becking nangloko sa kanila.
“Wala siyang kadala-dala, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, umaariba na naman ang magaling niyang bokadura pati sa mga basketbolista. Marami na naman siyang inilalagay sa alanganin!
“Hindi ba naman napakasarap niyang hambalusin ng knapsack? Napakakapal ng face value niya, ha? NAPakakapal talaga!” pagtatapos ng aming source.