Tiyan ni Kylie palaki na raw nang palaki, death scene sa Encantadia nakunan na

kylie padilla
ISANG source ang hindi na nakapagpigil na nagtapat sa amin ng tunay na sitwasyon ngayon ni Kylie Padilla. Lumabas na ang kuwentong nagdadalantao ngayon ang anak ni Robin Padilla pero wala pang kumpirmasyong nanggagaling mula sa kanya.

Si Aljur Abrenica, ang nakabalikan niyang boyfriend ang itinuturong ama ng dinadala niya ngayon, pero tulad ni Kylie ay walang anumang binibitiwang pahayag ang aktor tungkol sa totoong kalagayan ni Kylie.

Ayon sa aming source, “Totoong pregnant ngayon si Kylie. Nagpatawag nga ng emergency meeting ang production, kasi nga, nahahalata na ang paglaki ng tiyan niya. Kinunan na ang death scene niya sa Encantadia nu’ng last Monday pa.

“Kailangan nang gawin ‘yun dahil nahihirapan nang magtrabaho si Kylie dahil sa sitwasyon niya. Si Gabbi Garcia pala dapat ang mawawala, pero biglaan ang pangyayari.

“Sayang, malakas pa naman ang tandem nila ni Ruru Madrid, pero kailangang patayin na ang character niya sa serye, palaki na siya nang palaki.

“Puro adjustment na ang ginagawa ng mga wardrobe sa costume niya bilang si Amihan, pero halatado na ang paglaki ng tiyan ni Kylie,” kuwento pa ng aming source.

Read more...