DELAYED na ang damage control na ipinalabas ng Vidanes Marketing tungkol sa engagement ng artist nilang si Kylie Padilla sa Kapuso actor-boyfriend nitong si Aljur Abrenica.
Kalat na kasi ang pagiging buntis ni Kylie kahit walang diretsong pag-amin ang aktres.
Sinamahan ni Kylie ng isang touching message ang litrato nila ni Aljur na kanyang ipinost sa Instagram ngunit wala pa rin siyang ginawang pag-amin tungkol sa totoong kalagayan niya. Pero dama rito ang pinagdaanan nila ng mga nakaraang araw.
“I know these past days have been rough but I can’t wait for the day people get to know you like I know you. can’t wait to share how it happened I’m just happy I am sharing it with you,” sey ni Kylie.
Siyempre once mabuntis, justified on her part ‘yon dahil engaged na siya. Kailangan din kasi niyang protektahan ang pangalang Padilla. Kadalasan, mga lalaking Padilla ang nakakabuntis ng iba’t ibang babae.
Hindi namin alam ang history ng mga Padilla girls pero ngayon lang nabalita na isang sikat na babaeng Padilla ang nabuntis nang hindi kasal, huh!
Anuman ang intention ng management ni Kylie sa pag-announce ng engagement nila ni Aljur, tanging sila lang ang nakaaalam!
Sa ngayon, goodbye, Encantadia na at hello, baby, ang drama ni Kylie.