Sinuspinde ng Office of the Ombudsman ang bise mayor sa Davao del Sur dahil sa pagkabigo nitong bayaran ang back wages ng isang empleyadong namatay.
Anim na buwang suspendido si Bansalan Vice Mayor Edwin Reyes matapos mapatunayang nagkasala sa kasong Simple Neglect of Duty. Siya ay mayor ng magawa umano ang paglabag.
Inihahanda rin ang kasong paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards of Government Officials and Employees (RA 6713) laban sa kanya.
Ang kaso ay nag-ugat sa pagkabigo umano ni Reyes na ibigay ang monetary claim ng pamilya ni Junelan Mantica, na isang dating utility worker ng munisipyo na namatay noong 2014.
Naglabas ng desisyon ang Civil Service Commission na mali ang ginawang pagtanggal kay Mantica kaya ipinag-utos nito na ibigay sa kanyang naiwan ang kanyang back wages.
Hindi umano sinagot ni Reyes ang sulat ng nagrereklamo na umaapela na sundin nito ang desisyon ng CSC.
Sa ilalim ng RA 6713 ang isang opisyal ay dapat na tumugon sa sulat, telegrama, at iba pang uri ng pakikipag-ugnayan na ipinadala sa kanyang opisina sa loob ng 15 araw mula sa pagkatanggap nito.
Vice mayor sa Davao del Sur sinuspinde ng Ombudsman
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...