P27.7M jackpot ng 6/49 nakuha sa Oriental Mindoro

lotto for site

Isang mananaya sa Calapan, Oriental Mindoro ang nanalo ng P27.7 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola Martes ng gabi.
Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 10-29-02-27-16-05.
Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO.
Umabot sa P14.9 milyon ang halaga ng itinaya sa huling bola. Sa bawat P1 itinataya sa lotto 55 sentimos ang napupunta sa Prize Fund, 30 sentimos sa Charity Fund at ang nalalabi sa operasyon ng PCSO.
Nanalo naman ang 65 mananaya ng tig-P11,520 matapos makuha ang limang numero. Tig-P300 naman ang 1,994 mananaya na naka-apat na numero at balik ang P20 taya ng 25,044 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...