Kylie, Aljur engaged na; balitang buntis wala pa ring kumpirmasyon

Sa gitna ng mga balita na buntis na nang tatlong buwan si Kylie Padilla, inilevel-up na nito ang relasyon sa aktor na si Aljur Abrenica, matapos ianunsyo  Martes ng gabi ng kanyang management na  engaged na nga ang dalawa.

Their engagement was announced by Vidanes Celebrity Marketing, sa kanyang Instagram at Facebook account.

Sey ng post: “Vidanes Celebrity Marketing would like to announce to the great public the engagement of Ms. Kylie Padilla and Mr. Aljur Abrenica.”

Pagkatapos nito ay dali-dali namang nag-post si Kylie sa kanyang IG account ng kanyang larawan kasama si Aljur na magkayakap na nagkukumpirma ng kanilang announcement na engaged na nga sila.

“I know these past days have been rough but I can’t wait for the day people get to know you like I know you. Can’t wait to share how it happened I’m just happy I am sharing it with you,” she said.

Sakabila nito, walang kumpirmasyong ibinigay ang dalawa kung buntis nga ang aktres, gaya ng mga napapaulat.

Read more...