Ilang kandidata sa Miss Universe nagmukhang losyang

miss universe 2016

HUWAG naman sanang umabot sa puntong laitin o pintasan ng wagas ang Pilipinas sa pagho-host nito ng Miss Universe 2016.

Balita kasing marami sa mga kandidata ang madalas na mahilo, mapuyat o magmukhang losyang sa dami at tindi ng iskedyul nila simula nang sila’y dumating sa bansa.

Hindi lang makapag-complain ang mga kandidata pero bakas na bakas daw sa mga mukha ng mga ito ang pagod at pagiging mukhang harassed and wasted.

Hmmmm, baka nga kapag may mga umasang candidates na umuwing luhaan, eh saka naman putaktihin ang Miss Universe at ang Pilipinas as its host na in-exploit sila at pinagod at ginamit ng husto sa sanrekwang activities, visits, travels and shows na kanilang ginawa?

At habang papalapit ang coronation night na gaganapin na ngayong Jan. 30, mas nagiging exciting ang mga kaganapan lalo pa’t equally controversial ang mga major players dito gaya ni outgoping Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, ang host nitong si Steve Harvey, ang pagdating nina Dayanara Torres at Sushmita Sen, ang mga emote ng bet nating si Maxine Medina at marami pang iba.

Read more...