Kalat na: Ellen Adarna nakipaghiwalay kay Baste Duterte dahil kay Rico Blanco

ellen adarna at rico blanco

HMMMM, o hayan, kinumpirma na ni Ellen Adarna na nagkaroon nga sila ng relasyon ni Baste Duterte.

Sa pinag-uusapang social media post niya, sinabi ng sexy actress na 2016 pa daw yung mga photos nila ng presidential son at time to move on na daw this 2017.

Marami kasi ang nagtatanong kung bakit waley na siya sa pag-post ng mga photos nila ni Baste.

Ang tsismis, ang magaling na si Rico Blanco na raw ang bagong apple of the eye ni Ellen na ayaw daw patawag na “camp sawi” dahil “camp saya” pa rin ang emote nila ng mga friends niyang sina Arci Muñoz at Bela Padilla na nakipaghiwalay na rim sa mga dyowa nila.

Araw-araw naming napapanood sa seryeng Langit Lupa si Ellen at tunay namang masasabi naming aktres na nga siya ngayon sa husay niyang gumanap doon bilang kontrabida.

Read more...