SABIK na sabik na kay Maine Mendoza ang Team Abroad at AlDub Nation na subscribers ng GMA Pinoy TV.
Tanging si Alden Richards lang kasi ang napapanood nilang may show sa abroad gaya nitong sinamahan niya sa Amerika.
Kaya naman through social media, nanawagan ang ADN sa TAPE at GMA Network na bigyang katuparan ang kahilingan nilang makita nang personal ang Phenomenal Star kasama si Alden.
“Calling GMA & TAPE we are looking forward na makita si Alden na magkasama sila ni Maine in any kind of events na hindi masasagasaan ang kanilang commitments.
“This request is para sa Team Abroad, Team International na naka-subscribe sa GMA, huwag nating sayangin ang opportunity na ito na pasayahin ang Team Abroad at Team International na nagiinvest ng time at nag-invest sa GMA because Maine Mendoza na simpleng hiling namin ay makita sila na magkasama sapat nay un para pasayahin kami,” panawagan ng ADN.
Looks like malabong mapagbigyan sa ngayon ang hiling ng ADN Team Abroad lalo na’t busy na sa ratsadang taping sina Alden at Maine para sa kanilang launching series na Destined To Be Yours, ang magiging Valentine offering ng GMA para sa milyun-milyong fans ng AlDub loveteam.