HINDI na bago para sa mga taong nakakakilala sa isang female personality ang kuwento na para lang siyang nagbibihis sa bilis niyang magpalit ng karelasyon.
Hindi na nagugulat ang kanyang mga kaibigan at kakilala sa kuwento dahil kahit nu’ng nasa kolehiyo pa lang ang babaeng personalidad ay ganu’n na rin ang kanyang kartada.
Woman of the world nga ang tawag sa kanya ng mga dati na niyang nakakasama, walang pakialam ang babae sa kahit anong sinasabi ng mga tao sa kanyang paligid, basta ang mahalaga ay ang masunod ang kanyang gusto.
Kuwento ng aming source, “Naku, hindi na bago ang mga pinaggagagawa niya! Kahit ang pagmamam niya nang sobra-sobra na kapag ngenge na siya, e, halos hindi na siya makagulapay, matagal na niyang ginagawa ang ganu’n!
“Keber ang paborito niyang salita. Wala siyang pakialam. E, ano ngayon kung maraming naloloka sa kanya? Ang importante, e, masaya siya at nagagawa niya ang gusto niya!” sabi ng impormante.
Kung magdamit nu’n ang female personality ay halos kita na ang kanyang bituka. Mas maraming pumapansin sa kanya ay mas enjoy kuno ang girl.
“Hindi kasi siya masaya kapag walang naa-attract sa kanya, kailangang makuha niya ang attention ng lahat, ‘yun ang nakapagpapasaya sa kanya. Kaya nga idinadaan niya ‘yun sa iba-ibang paraan, e!
“Nand’yang magdamit siya na halos wala na siyang saplot sa katawan, nand’yang sumayaw siya nang sumayaw habang umiinom siya, kailangang siya ang center of attraction. Kailangang nasa kanya ang mata ng lahat.
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bagay na bagay lang sa kanya ang name niya. Para siyang malaking ibon na gustung-gustong makalipad nang malayang-malaya!” pagtatapos ng aming source.