Nadakip ang mga kundoktor na sina Valentin Alonzo, 28; Victor Dime, 35; Hermi Bacquian, 41; driver na si Marvin Rocillo, 32, dakong alas-3 sa Olivarez terminal, ayon sa ulat ng Cavite provincial police.
Una dito, magsasagawa sana ng buy-bust operation ang pulisya laban kay Alonzo, na itinuro ng ilang driver bilang supplier ng iligal na droga.
Nang puntahan ng mga pulis na “bibili” sana ng shabu ang jeep kung saan itinuro si Alonzo, nagulat na lang ang mga ito na may nagaganap na palang pot session sa loob, ayon sa ulat.
Nakita umano ng mga operatiba sa loob ng nakaparadang jeep sina Alonzo na humihithit ng hinihinalang marijuana gamit ang isang improvised pipe.
Dito na nagpakilala bilang pulis ang mga operatiba, at dinakip ang apat.
Nakuhaan si Alonzo ng isang sachet ng hinihinalang marijuana at dalawang sachet ng hinihinalang shabu.
Nakuhaan din ang kanyang mga kasama ng tig-iisa pang sachet ng hinihinalang marijuana, habang sa jeep ay natagpuan ang sari-saring drug paraphernalia.
Nakaditine ngayon ang apat sa istasyon ng pulisya habang hinahandaan ng kaukulang kaso.