Umabot sa 3.1 milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas na walang makain sa huling tatlong buwan ng 2016, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Ayon sa survey, 13.9 porsyento ng mga respondent ang nagsabi na nakaranas sila na walang makain sa huling quarter ng 2016, mas mataas ito sa 10.6 porsyento (2.4 milyong pamilya) na naitala sa survey noong Setyembre.
Nakaranas ang 3 porsyento ng ‘Severe’ hunger at 10.9 porsyento naman ang nakaranas ng ‘Moderate’ hunger.
Pinakamarami ang nagsabi na nagutuman sila sa Visayas (13.9 porsyento), na sinundan ng iba pang bahagi ng Luzon (13.6 porsyento), National Capital Region (12.8 porsyento) at Mindanao (12.7 porsyento).
Ginawa ang survey mula Disyembre 3-6 at kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents.
Walang makain dumami- SWS
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...