Miss Universe hitik sa kontrobersya

miss universe

NAGING memorable ang 64th Miss Universe pageant na itinanghal mahigit isang taon na ang nakaraan hindi lang dahil sa pagkapanalo ni Miss Philippines Pia Alonzo Wurtzbach kundi dahil na rin sa pagkakamali ng host na si Steve Harvey sa pag-anunsyo kung sino ang nanalo.

Nauna kasing binanggit ni Harvey na si Miss Colombia Ariadna Gutiérrez ang nagwagi bilang Miss Universe 2015. Subalit makalipas ang isang minuto ay inalis ang korona kay Miss Colombia matapos aminin ni Harvey na nagkamali siya sa pagdeklara ng nanalo bilang Miss Universe 2015 at inilipat nga ang korona sa totoong nanalo na si Miss Philippines, na naunang idineklara bilang first runner-up.

Narito pa ang ilang kontrobersyang kinasangkutan ng Miss Universe pageant:
Miss Universe 1952
Armi Kuusela ng Finland

Hindi lang si Armi Kussela ang kauna-unahang Miss Universe sa kasaysayan ng nasabing pageant kundi siya rin ang kauna-unahan na nagbitiw sa kanyang puwesto.

At bakit gusto niyang magbitiw bilang Miss Universe? Nais na kasi niyang mag-asawa.

Subalit 10 buwan na si Kussela na nagre-reyna bilang Miss Universe kaya hinayaan na lamang ng pageant organizers na mapanatili niya ang korona dahil wala pang malinaw na protokol noong panahon na iyon.

Ang masuwerteng napangasawa ni Kussela ay ang Pinoy na negosyanteng si Virgilio Hilario na kung saan nagkaroon siya ng limang anak.

Miss Universe 1957 Gladys Zender ng Peru

Wala sanang naging kontrobersiya sa pagiging Miss Universe ni Gladys Zender kung hindi sinabi ng kanyang ama sa press na wala pa siyang 18 anyos nang sumali sa Miss Universe pageant.

Bunga ng nasabing “underage” issue ay kinailangan ng mga pageant officials na pag-usapan kung dapat ma-natili kay Zender ang kanyang korona.

Isa pa sa naging problema ay 10 buwan na nagre-reyna si Zender bilang Miss Universe.

Kaya napagpasyahan ng mga pageant organi-zers na manatili kay Zender ang kanyang korona matapos nitong mabatid na kinukonsiderang 18 anyos na siya sa Peru.

Miss Universe 1974 Amparo Muñoz ng Spain

Isa sa maituturing na pinakakontrobersiyal at pinakakomplikadong Miss Universe pageant ang ginanap noong 1974 sa Pilipinas kung saan nagwagi si Miss Spain Amparo Muñoz.

Naging kontrobersiyal ito dahil nagbitiw si Muñoz bilang Miss Universe matapos ang anim na buwan. Nagkaproblema kasi si Muñoz sa Miss Universe organization dahil hindi ito nakasunod sa mga regulasyon.

Ang problema ay walang naging kuwalipikadong kapalit kay Muñoz mula sa mga nag-runners-up sa kanya.

Kaya naman napagpasyahan ng mga pageant officials na hindi na lamang ipapasa ang korona kina 1st runner-up Miss Wales o 2nd runner-up Miss Finland.

Miss Universe 1996 Alicia Machado ng Venezuela

Naging kontrobersiyal si Miss Universe 1996 Alicia Machado dahil gusto siyang alisin ng mga pageant officials at palitan ng first-runner up na si Miss Aruba Taryn Mansell.

Ang dahilan ay tumataba si Machado. Kaya naman pinuwersa siya ng dating may-ari ng Miss Universe pageant na si Donald Trump na magbawas ng kanyang timbang.

Nagawa naman ni Machado na mag-workout para makapagbawas ng timbang bago ang Miss Universe 1997 pageant.

Miss Universe 2002 Oxana Fedorova ng Russia

Isa sa maituturing na pinakamagandang Miss Universe winner si Oxana Fedorova subalit siya ang naging kauna-unahang “opisyal” na napatalsik sa kanyang trono bilang Miss Universe.

Sinibak si Fedorova bilang Miss Universe 2002 matapos umano na hindi niya magampanan ang kanyang tungkulin. Hindi naman naging malinaw kung anong tungkulin ang hindi niya nagawa bagamat natsismis pa na si Fedorova ay buntis. I-kinaila ito ni Fedorova at sinabing napilitan siyang bitiwan ang korona sa personal na dahilan.

Pinalitan naman siya ng first runner-up na si Miss Panama Justine Pasek.

Miss Universe 2004 Jennifer Hawkins ng Australia

Muntikan namang bitawan ni Miss Universe 2004 Jennifer Hawkins ang kanyang korona bu-nga ng kontrobersiyal na litrato.

Lumabas kasi ang kanyang mga nude photos sa Hustler magazine matapos na siya ay makoronahan bilang Miss Universe.

Nalagpasan naman niya ang nasabing kontrobersiya at nagawang maipasa ang korona.

Miss Universe 2009 Stefania Fernandez ng Venezuela

Naging masalimuot naman ang pagre-reyna ni Miss Universe 2009 Stefania Fernandez dahil sa dalawang seryosong kontrobersiya.

Una na rito ang kontrobersiya na “inayos” umano ang kanyang pagkapanalo bilang Miss Universe.

Naging kahalili kasi siya ng kanyang kababayan na si Miss Universe 2008 Dayana Mendoza.

Bagamat naidepensa ni Fernandez ang pagkapanalo sa titulo, sinundan pa ito ng kontrobersiya nang ang boyfriend nitong si Julio Marcollu ay maging murder suspect. Hindi naman iniwan sa ere ni Fernandez si Marcollu na napatunayang inosente sa nasabing krimen bagamat may mga espekulasyon na sangkot nga ito.

Miss Universe 2013 Gabriella Isler ng Venezuela

Naging kontrobersyal naman si Miss Universe 2013 Gabriella Isler dahil nagkaroon ito ng plastic surgery.

May mga lumabas kasing lumang litrato ni Isler na nagpapakita na nagkaroon ng pagbabago sa kanyang mukha.

Bagamat hindi man ito naging bigating kontrobersiya gumawa pa rin ito ng balita at naghatid ito ng mensahe na kaila-ngan ding magparetoke para kilalanin na isang beauty queen.

Read more...