Naghain ng panukala si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo upang maging isang krimen ang stalking.
Sa kanyang House bill 2890, sinabi ni Arroyo na maituturing na paglabag sa constitutional right to privacy ang stalking pero hindi umano sapat ang batas na nagpaparusa sa gumagawa nito.
“The act of stalking or its accompanying behavior is a violation of legal rights since it involves harassing, bothering, frightening and interfering with people’s private lives. Such act of a form of disguised intimidation which may be subtle attempt at harassment,” ani Arroyo.
Sa ilalim ng panukalang Anti-Stalking Act of 2016, ang parusa sa mga lalabag ay hanggang anim na taong pagkakakulong at multang P1,000 hanggang P5,000.
Ipinagbabawal sa panukala ang unsolicited telephone call na ang intensyon ay hindi talaga makausap ang biktima, pagtawag o pakikipagkomunikasyon ng disoras ng gabi at paggamit ng nakakasakit na sa salita, madalas na pagbisita sa trabaho o bahay ng biktima, pagbuntot sa biktima at paggamit ng iba pang nakaka-alarmang aksyon.
Stalking gustong gawing krimen ni GMA
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...