Tatlo at hindi dalawa ang mga nakaupong kongresista na protektor umano ng operasyon ng ipinagbabawal na gamot.
Itinama ni House Speaker Pantaleon Alvarez ng pumunta ito sa selebrasyon ng kaarawan ni PNP chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
“Tatlo yun, tatlo… nagkamali ako (na dalawa lang),” ani Alvarez.
Pero muli, tumanggi si Alvarez sa pangalanan ang mga ito habang patuloy ang pangangalap ng ebidensya at hindi pa naisasampa ng kaso.
Inamin naman ni Isabela Rep. Rodito Albano na walang magagawa ang Kamara de Representantes laban sa mga kongresista na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Sinabi ni Albano na kailangang maghain ng pormal na reklamo laban sa mga kongresistang ito sa House committee on ethics na siyang magsasagawa ng pagdinig.
Maaaring ang mga law enforcement agency umano ang maghain ng kaso para maalis ito sa puwesto.

MOST READ
LATEST STORIES