NAKAKAGAT ng 21 residente ng isang barangay ang isang asong naulol, bago ito namatay sa Barangay Casuntingan, Mandaue City, kaninang madaling araw.
Sinabi ni Casuntingan Barangay Captain Oscar del Castillo na nahuli nila ang askal (asong kalye) ganap na ala-1 ng umaga kahapon sa Barangay Banilad, Mandaue City, tinatayang dalawang kilometro ang layo mula sa Casuntingan.
Nauna nang binalaan ng mga otoridad ang mga residente na mag-ingat sa aso matapos na umatake sa 21 katao noong Sabado.
Naglalakad ang karamihan ng mga biktima sa isang kalye sa Brgy. Casuntingan nang salakayin ng aso, ayon sa barangay chairman na si Oscar del Castillo.
Nagtamo ang mga biktima ng mga kagat sa binti, ayon kay del Castillo.
Kinilala ang may-ari ng aso na si Webster “Macoy” Seno, ng Sitio Mangga.
Inatasan ang mga operatiba mula sa Casuntingan police station at barangay tanod na hanapin ang aso.
Tumutulo ang laway ng aso kaya naniniwala ang mga opisyal na ito ay nauulol. Kulay brown na kulay ng aso at may mga puting batik sa palibot ng leeg.
“We used (a) batuta (policeman’s stick) as we chased him. Even after the dog was placed inside the sack, he was still restless,” sabi ni del Castillo.
Idinagdag ni del Castillo na nagulat sila nang hindi na kumikilos ang aso, na patay na pala.
Sinabi pa ni del Castillo na dinala ang pito sa mga biktima sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) at binigyan ng anti-rabies vaccines.
“Others are scheduled for their anti-rabies (vaccines) tomorrow since the health center is open only on week days,” ayon pa kay del Castillo.
Suspetsa ni del Castillo na nakagat din siya ng aso dahil sa mga marka sa kanang binti.
Aso naulol; 21 tao inatake
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...