NAKATAKDANG mag-courtesy call ang mga kandidata ng Miss Universe 2016 pageant kay Pangulong Duterte sa Malacanang bukas.
Ganap na alas-2 ng hapon nakatakdang harapin ni Duterte ang mga kalahok sa Miss Universe kung saan nakatakdang magbigay ang pangulo ng talumpati.
Sinabi ng Palasyo na magkakaroon din ng oportunidad ang mga kalahok para magpalitrato kay Duterte.
Gaganapin sa Enero 30 ang grand coronation night ng Miss Universe 2016 sa Mall of Asia (MOA), Pasay City.
MOST READ
LATEST STORIES