“…Very angry very offended kung pwede na matunaw na ko sa kinalalahyan ko sa hiya it happened sa loob ng Camp Cram. Kinuha sa Caloocan dun pinatay,” sabi ni dela Rosa sa isang press conference sa Malacanang.
Idinagdag ni dela Rosa iniutos na niya ang manhunt sa mga sangkot sa kidnaping at pagpatay sa Hanjin executive na si Jee Ick Joo.
“If I have my way papatayin ko kayo mga pulis kayong mga kidnapper if I have my way. Because its illegal, ako bilang isang Filipino gusto ko patayin pulis na sindikato. I cannot do it that’s illegal,” ayon pa kay dela Rosa.
Bagamat tumanggi si dela Rosa na isapubliko ang naging reaksyon ni Pangulong Duterte sa nangyari, inamin naman ni dela Rosa na galit ang presidente sa pangayayari.
“Amin na lang. Galit si presidente,” sabi ni dela Rosa.
Bato inaming natutunaw sa hiya sa pagpatay sa Korean bizman sa loob ng Crame
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...