Simbahan pinuntirya ni Duterte

duterte3-0802

AYAW paawat ni Pangulong Duterte kung saan ang Simbahang Katoliko naman ang naging sentro ng kanyang mga banat sa harap naman ng pagbatikos sa kanyang kampanya kontra droga.
“Kayong simbahan ng Katoliko. Milyon ang kita ninyo linggo-linggo all throughout the Philippines, karaming simbahan. Saan ang pera ng tao?” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Malacanang.

Partikular na binanggit ni Duterte ang kabiguan ng Simbahan na maglaan ng pondo para sa rehabilitation center para sa mga adik.
“Kayong mga pari, mga Obispo. Ang gaganda ng suot ninyo, mga kotse. Meron ba kayong isang bahay lang maski limang kwarto para rehab? Anong ginawa niyo sa simbahan ninyo?” ayon pa kay Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na dapat ay tumulong na man lamang ang Simbahan na paliwanagan ang mga sangkot sa droga.

“Kung mahusay ka na pari, ipaintindi mo, mamamatay ka. Umalis ka sa droga. Eh ‘di nakakatulong pa kayo. Hindi instead na maghintay kayo na may namatay na you criticize the police, you criticize me. For what? Kayo ‘yung may mga pera eh. Siraulo pala kayo,” sabi pa ni Duterte.

Kasabay nito, inungkat muli ni Duterte ang umano’y pagmomolestiya sa kanya ng isang pari.

“When we were making confessions to you, we were being molested, hinahawakan na kami. Kayong mga… What is your moral ascendancy in the Philippines? Religion? What is the meaning of it? Hindi kayo nakakatulong, daldal kayo nang daldal,” ayon pa kay Duterte.

“You expose me, fine. I expose you. Bakit? Ang mali ninyo okay lang, ang amin hindi? B******. Kalokohan ‘yan. Extrajudicial killing, tumulong kayo,” sabi pa ni Durterte.

Matatandaang binatikos ng Simbahan ang nangyayaring extrajudicial killings (EJK) sa bansa sa harap ng kampanya ng gobyerno kontra droga.

“Ito nga eh, ibigay ko sa inyo. Basbasan ninyo ito ng…Totoo man kaya ‘yung holy water. Paliguan ninyo ng isang toneladang tubig para gumaling,’” ayon pa kay Duterte.

Read more...