Paulo buhay-binata, walang oras para dalawin ang anak nila ni LJ?

PAULO AVELINO AT LJ REYES

PAULO AVELINO AT LJ REYES

NAKARATING na kaya kay Paulo Avelino ang hinaing ni LJ Reyes, ina ng anak niyang si Aki na hindi nito nadadalaw ang bata?

Ayon sa aktres, anytime ay puwedeng hiramin o dalawin ni Paulo ang anak dahil hindi naman ito ipinagdadamot, pero hindi raw nagagawa ito ng aktor. Hindi lang malinaw kung pati sa pagtawag ay hindi magawa ng leading man ni Ritz Azul sa seryeng Promise Of Forever (na ipalalabas na sa second quarter of 2017).

Ang pagkakaalam namin ay hindi naman araw-araw ang taping ng Promise Of Forever kaya puwede naman sigurong saglitin ni Paulo ang anak, maliban na lang kung mas gusto pa nitong dalawin ang girlfriend niya o baka naman tulog siya kapag walang trabaho?

Kaya namin nasabing hindi araw-araw ang taping niya ay dahil si Ritz ay nakakapunta sa ibang showbiz events na imbitado siya tulad sa nakaraang celebrity screening ng “Ilawod”.

Hindi ba kaya ni Paulo na dalawin si Aki kapag may dalawa o isang oras siyang bakante? Sabi nga kapag gusto, may paraan, kapag ayaw, walang ginagawa.

Ito kaya ‘yung naririnig namin sa ibang kaibigan nina LJ at Paulo na mas gusto ng aktor ang magbuhay-binata?

Anyway, sana magawan ng paraan ni Paulo na madalaw ang anak dahil hindi magandang hindi siya nakikita ng anak, baka magsisi siya paglaki ng bata at baka tawagin pa siya nitong iresponsableng ama.

Pero in fairness, hindi naman nagpapabaya si Paulo sa financial support sa anak.

Read more...