GAME na game ang audience sa concert ng Kilabot ng mga Kolehiyala at Harana Prince na si Michael Pangilinan sa Music Museum last Friday. Karamihan sa crowd ay mga bagets at kaedad ni Michael.
Meron din sa audience na medyo mature at lahat sila naki-sing along din kay Michael, huh!
Ang saya-saya ng audience una dahil sa husay ni Michael mag-perform. Pangalawa, tawa nang tawa ang audience sa magkaibigang Arnel Ignacio at Comedy Queen Ai Ai delas Alas.
Pinalakpakan din ang singer na si Kiel Alo na isa rin sa mga talent ng TV/radio personality na si Kuya Jobert Sucaldito. In fairness, ang laki ng improvement ni Kiel as a balladeer and feeling proud kami for him. At ginulat niya kami nang kantahin niya ang favorite song ni kuya Jobert, ang napakahirap kantahin na awitin ni Labyrinth, ang “Jealous.”
Last weekend ay nasa Taiwan naman si Michael para sa ating mga kababayang OFW doon. Kasama niya si Kuya Jobert at ang co-host niiya sa radio program na “Mismo” sa DZMM na si Papa Ahwel Paz.
Kwento ni Papa Ahwel, “Super successful ang show. Umabot sa six thousand ang crowd na first time daw sa Taiwan na parang solo concert na ni Kuya Michael ‘yung show. Siya lang kasi ang Pinoy and the rest puro Taiwanese celebs na. At sa sobrang crazy ng crowd, super sigaw sila, naghubad na si Kuya Michael. Hinagis ang damit niya at natira lang ‘yung tattoo.”
Samantala, bago sila umalis ay nag-confirm na ng date for a solo Valentine concert ni Michael si Kuya Jobert sa Music Box on Febr. 12. Mataray ang concert kasi exclusive for 100 persons lang ang pwedeng manood. Hindi na raw magdadagdag ng tiket si Kuya Jobert kaya unahan sa pagbili ng tiket.