GOOD day, Manang. Araw-araw po akong sumusubaybay sa Bandera at sa kolum ninyo. Nagpapasalamat po ako at marami na rin kayong napaliwanagan. Hihingi rin sana ako ng advice tungkol sa live-in partner ko ngayon na alam ko po na may Hapon na nagbabakasyon every two years sa kanya dito sa Pilipinas. Nagkaanak po kami ng dalawa at umaalis siya tuwing dumarating dito ang Hapon niya.
Minsan kami na rin ng mga anak ko ang umaalis sa bahay. Sa eight years naming pagsasama, na-realize ko kung bakit naging ganito ang takbo ng buhay ko. Balak kong hiwalayan siya kaso hindi naman n’ya ibibigay sa akin ang mga bata. Alam n’ya ang weakness ko pagdating sa mga anak ko. Alam ko po na umaasa siya sa pinapadalang pera ng Hapon sa kanya. Ano po ang dapat kong gawin? More power!
Renz, ng Tagum City
Renz! Thank you ha. Nakakataba naman ng heart na malaman na sinusubaybayan mo ang column na ito. I feel fabulous kapag nalalaman kong even males, yes ang mga “fafah”, ay nagbabasa rin sa inyong Manang. So great to hear that! Sana ay dumami pa kayo.
I feel for you, brotha. Ngayon ko lang narinig ang ganyang set-up na parang may seasonality ang relasyon. Parang tagsibol lang every two years at iba ang pumipitas ng bulaklak. Kyeme! Hihi! Sorry, naughty na naman ang Manang n’yo.
Nais ko sanang malaman kung bakit at paano nangyari ang ganitong set-up n’yo. Mutually-agreed ba ‘yan? Nauna ba si Mr. Jap sa iyo before you came into the picture o nangyari ba ito habang kayo na ni jowa mo? Kung ano pa man, ang maipapayo ko ay kausapin mo ang iyong partner nang masinsinan. Ano ba ang motivation n’ya sa pakikipagrelasyon sa iba? Pera? Utang na loob? May pagkukulang ka ba? Even before you end it with her, ask yourself, bakit ba ito nagsimula?
Kung ano man ang dahilan sana maunawaan mo ito at kung may magagawa ka pa, sana ma-work-out n’yo rin para maayos. Sa opinyon ko, at the end of the day, mahirap ang may third party. Sabi nga, sa lahat daw ng party, ‘yan ang “party” na walang may gusto. Ang “third party” daw ang “party” na hindi welcome!
Mahal mo pa ba s’ya? Gusto n’ya bang ayusin ang relasyon n’yo? Kaya mo ba s’yang bigyan ng chance na magbago? Kung ang sagot mo sa lahat ng tanong na nabanggit ay “hindi”, puwes iminumungkahi kong itigil mo na ang relasyon mo sa kanya. Start a new life.
I think everyone deserves to be treated fairly and with dignity. Paano ang mga anak n’yo? I think pasasalamatan ka pa nila balang araw kung naiayos mo ang buhay mo, at in turn, ang buhay nila. Renz, gugustuhin mo bang ganito ang kalalakihan ng mga anak n’yo? Gusto mo bang isinasantabi kayo every two years? I think your kids and yourself deserve a better treatment. Maging matatag ka. I’m sure may ibang tao na karapat-dapat sa iyong pagmamahal at hindi ka ituturing na second priority.
Ai o komete (“With Love” in Japanese),
Your party-pooper Manang