CEBU CITY—Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation nitong Linggo ang mag-asawa matapos gamitin ang kanilang 13-anyos na anak na babae sa cybersex.
Ni-raid ng NBI, sa bisa na rin ng search warrant na ipinalabas ni Cebu City Regional Trial Court Judge Soliver Peras, ang isang cybersex den sa sa Sitio Sung-ok, Barangay Ibabaw, Cordova ala-1 ng madaling araw.
Kabilang sa mga na-rescue ng NBI ay ang anak na babae ng mag-asawa na si Mia (hindi tunay na pangalan), isang 3rd year high school, at dalawa pa nilang anak – isang babae at isang lalaki na may edad 14 at 17.
Inilagay na sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang babaeng anak ng mga suspek habang tumakas naman ang 17-anyos na lalaki.
Nakumpiska sa raid ang isang flat screen computer, isang net book, web camera, CPU at mga cellphone ng mga suspek.
Inamin naman ng mga magulang ni Mia na ginagamit nila ang kanilang anak, kasama na ang maraming iba pang kapitbahay sa cyberpornography.
Ang bahay ng mga suspek ay nasa iisang sitio kung saan naaresto rin ang isa pang mag-asawa noong 2011 na ginagamit ang limang anak at isang pamangkin sa cybersex operation.
Inamin ng nanay ni Mia, naniningil siya ng P1,000 kada transaksyon. Bago ang raid, humingi siya ng P3,200 mula sa Amerikanong kliyente na ginamit pala ng NBI sa operasyon. Sa kanyang pahayag, sinabi umano ng nanay na gagamitin niya ang pera para sa pambili ng gamit ng kanyang anak sa paaralan at pambayad sa tuition.
“I know I committed a mistake, but I was just forced to do so. I exposed my daughter to cyberpornography due to poverty,” sabi ng 35-taong-gulang na nanay sa pahayag sa NBI-7.
Iginiit naman ng nanay na hindi sangkot ang kanyang 37-taong-gulang na asawa na kanyang pinakasalan 13 taon na ang nakakaraan. Ang kanyang asawa ay dating mangingisda bago siya magkasakit tatlong taon na ang nakakaraan.
Sinabi naman ng lalaki na handa siyang tumestigo laban sa kanyang asawa.
Tinagurian naman ni NBI-7 director Antonio Pagatpat ang suspek na babae bilang Queen of Cyberpornography sa Cordova.
“Based on reports we got, there are several minors in their place who fell victim to her,” sabi ni Pagatpat said.
Sa kabila nito, parehong kinasuhan ang mga magulang ng bata ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, at Anti-Child Pornography Act of 2009.
13-anyos pinag-cybersex ng ina
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...