Si Zanjoe lang ang guest pero sinamahan na rin siya ng kanyang girlfriend sa studio.
Nu’ng sinalang na si Zanjoe for his interview ay super excited naman na tumutok sa VTR ang dyowa niyang si Bea sa backstage.
Ganoon ka-supportive ang aktres kay Zanjoe. Sobrang ganda naman ni Bea that afternoon habang pinagmamasdan namin.
Bumagay sa mukha niya ang mala-Julie Christie (isang British actress) na hairstyle ayon kay Wilbur Hernandez ng Star Cinema.
In fairness, sobrang lovable tingnan sina Bea at Zanjoe at para sa amin ang sweetest couple sa industry today.
Pareho kasing walang angas, walang attitude at walang pretensyon sa buhay sina Bea at Zanjoe.
Kaswal lang sila bilang normal na mga tao and yet very professional pagdating sa trabaho.
Ni hindi kami nakakarinig ng alingasngas o nabalitaan na nagreklamo o inireklamo sila sa shooting or taping ng mga kasamahan nila.
Love rin ni Bea ang anak-anakan ni Zanjoe sa bago niyang teleserye sa Kapamilya network na Annaliza na nagsimula na noong Lunes bago mag-TV Patrol na si Andrea Brillantes.
Nakita nga namin na nagtsitsikahan sa pinto ng dressing room ni Zanjoe sina Bea at Andrea.
Sa katuwaan ni Bea sa bagets nadinig namin na sinabi niya, “Sige, ikaw na ang baby namin (ni Zanjoe), ha!”
O, ‘di ba? May instant baby na sina Zanjoe at Bea, huh!