Makapag-aasawa ba ng Hapon? (2) | Bandera

Makapag-aasawa ba ng Hapon? (2)

Joseph Greenfield - January 19, 2017 - 01:36 PM

Sulat mula kay Abigail Tikay, Malolos City, Bulacan
Problema:
1. Ako po ay 21 years old na March 10, at dahil sa kahirapan ng buhay, nangarap po akong makapag-abroad. May tiyahin po ako sa Japan, nagta-trabaho doon at may asawa ng Hapon. Binigyan po niya ako ng kaibigang Hapon at ka-chat mate at ka-tawagan ko na po sa phone sa ngayon.
2. Naisipan ko pong sumangguni sa iyon upang itanong kung compatible po ba kami ng kaibigan kong Hapon at kami na po ba ang magkakatuluyan? At may tsansa po ba akong makapag-Japan at doon na makapanirahan at kapag nasa Japan na ako magiging maayos at masagana kaya ang buhay ko doon? March 5, 1996 ang birthday ko at July 17, 1976 naman ang birthday noong kaibigan kong hapon.
Umaasa,
Abigail Malolos City, Bulacan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Pisces (Illustration 2. ) ang nagsasabing ka-compatible mo ang kaibigan mong Hapon na isinilang sa zodiac sign na Cancer. Ibig sabihin habang patuloy kayong nagiging magkaibigan, hindi maglalaoon, lalo pang lalawig ang inyong samahan hanggang sa banding huli magkahulugan na kayo ng loob at ganap na maging magkasintahan. Kapag naging magkasintahan na kayo, tulad ng inaasahan, papakasalan ka ng kaibigan mong Hapon hanggang sa tuluyan mo na siyang mapangasawa.

Numerology:
Sa Numerology, ang birth date mong 5 ay sadyang tugmang-tugma naman sa birth date na 17 ng kaibigan mong Hapon. At ang mga taong may birth date na 5, 14 at 23 na tulad mo kapag nag-asawa ay sadaya at talaga namang yumayaman.
Luscher Color Test:
Ugaliin mong magsuot ng kulay na silver, gray at berde. Sa nasabing dalawang kulay saan ka man naroroon lalong bubuti at gaganda ang iyong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Abigail ayon sa iyong kapalaran nakahanda na ang susunod na magaganap. Sa taon ding ito ng 2017 tuluyan mo ng magiging kasintahan ang kaibigan mong Hapon, upang pagsapit ng taong 2018, sa edad mong 22 pataas, sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre, walang duda, mapapangasawa mo na nga siya hanggang sa Japan ka na rin makapanirahan at sa nasabing bansa nakatakda ka na ring magkaroopn ng isang masagana at maligayang pamilya habang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending