OBLIGADONG sundin ng mga employer sa pri-badong sektor ang tamang pasahod para sa Enero 28, 2017, Chinese New Year, na idineklara ng Malacañang bilang special (non-working) day.
Noong Agosto 16, 2016 ay idineklara ni Pangulong Dutere ang Enero 18, Chinese New Year, bilang special (non-working) day sa ilalim ng Proclamation No. 50, Series of 2016, “Declaring the Regular Holidays, Special (Non-Working Days, and Special Holiday (For All Schools) for the Year 2017”.
Ang pagtataguyod sa karapatan ng mga manggagawa sa pagsunod sa tamang pasahod at iba pang batas-paggawa ay magpapasigla sa ating manggagawa upang ma-ging produktibo sa kanilang trabaho.
Ang pagsunod sa batas-paggawa ay maka-bubuti sa ating negosyo, sa ating manggagawa, at sa ating lahat.
Ang tamang pasahod na dapat sundin para sa special (non-working) ay ang mga sumusunod:
1. Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ang alituntuning “no work, no pay” ang dapat sundin, maliban na lamang kung may polisiya ang kompanya o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng sahod para sa nasabing araw.
2. Kung ang empleyado ay nagtrabaho, siya ay makatatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang arawang sahod sa unang walong oras ng kanyang trabaho. Pagkukuwenta: [(Arawang Sahod x 130%) + COLA].
3. Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work), siya ay makakatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita sa nasabing oras. Pagkukuwenta: (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho).
4. Kung ang empleyado ay nagtrabaho sa nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, siya ay makakatanggap ng karagdagang 50 porsiyento ng kanyang arawang kita para sa unang walong oras ng trabaho. Pagkukuwenta: [(Arawang kita x 150%) + COLA].
5. Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work) sa nasabing araw at ito rin ay araw ng kanyang pahinga, siya ay makakatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita sa nasabing araw. Pagkukuwenta: (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 150% x 130% x bilang ng oras na trinabaho).
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.