Horoscope, January 18, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Kung sino ang magbigay ng regalo na kulay red ay siya ang sa iyo ay tunay na nagmamahal. Sa pinansyal, hindi dapat tipirin ang kasuyo higit lalo kung siya ang nagpapaligaya sa iyo. Mapalad ang 6, 8, 12, 24, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Qui-Om.” Bukod sa red ang purple ay buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Basta’t nilakasan mo ang iyong loob, tuloy-tuloy ka nang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, lalong lalakas ang karisma mo kung laging magsasasama sa kaibigang Scorpio. Mapalad ang 2, 10, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arali-Ibulagdi.” Green at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Sa taong ito ng 2017 piliting makaipon ng maraming pera para sa kinabukasan ng pamilya. Sa pag-ibig, ngayon pa lang paghandaan na ang pagdating ng isang kasuyong Virgo. Mapalad ang 1, 10, 28, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Durate-Rebus-Om.” Silver at violet ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa pag-ibig, tuparin ang mga ipinangako sa kasuyo. Maawa ka naman dahil matagal na siyang umaasa sa iyo. Pautangin na ang mga kaibigang noon pa sa iyo nanghihiram ng pera. Mapalad ang 1, 14, 23, 34, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Mayabeeja-Om.” White at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Malaking halaga ng salapi buhat sa malayong lugar ang di inaasahang matatanggap. Sa pag-ibig, bilisan ang paglilinis ng silid at buong kabahayan, darating ang kasuyong matagal mo nang hinihintay. Mapalad ang 7, 11, 19, 20, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trata-Savitra-Om.” Beige at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Kahit walang gaanong pera, kakaibang sigla ang madarama. Isipin mo na lang na darating ang panahong makakabayad ka rin sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, ibuhos ang tiwala sa kasuyo upang hindi masira ang relasyon. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Magenta at gold ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — May dagdag na salapi na matatanggap sa araw na ito. Sa pag-ibig, ngayon pa lang iplano na kung paano paliligayahin nang hindi masyadong magastos ang kasuyo sa darating na araw ng mga puso. Mapalad ang 5, 18, 22, 32, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Padma-Om.” Red at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Nanlalamig ang kasuyo painitin siya sa pamamagitan ng romansa, sipagan pang lalo ang pakikipagniig. Sa pinansyal, habang umiigting ang libido ay lalo namang lalago ang kabuhayan. Mapalad 3, 18, 27, 37, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Migeta-Om-Dosha.” Pink at violet ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pag-ibig, sa pagiging tapat sa kasuyo ay mas magiging maligaya ang buhay. Sa pinansyal, huwag sayangin ang salapi sa mga taong hindi mo naman mahal. Mapalad ang 3, 18, 30, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Chandaya-Om.” Red at maroon ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kahit walang gaanong pera, sa panahon ngayon mas mainam na panatiliin ang pagiging mabuti. Kapag may malinis kang puso, mas maraming grasya at biyaya ang biglaang darating. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Beige at magenta ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi dapat mamahinga; ubusin ang araw at oras sa pagtatrabaho. Sa ganyang paraan ay lalo kang uunlad hanggang sa maraming mo ang matagal ng pangarap na pagyaman. Sa pag-ibig, muling kalingain ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 6, 9, 28, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Lilac at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Habang may pagmamahalan sa tahanan, patuloy ang dating ng magandang kapalaran. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Gemini. Sa pinansyal, sa buwan ng Pebrero hanggang Marso magsisimula ng umangat ang kabuhayan. Mapalad ang 7, 16, 28, 31, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” White at blue ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Ngayon pa lang iplano na ang Valentine date. Muling balikan ang mga lugar na una nyo nang pinuntahan ng kasuyo. Sa pinansiyal, may isang higit na mas mahalaga sa salapi, ang tapat at tunay na pag-ibig. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Miraculum.” Old rose at pink ang buenas.

Read more...