Final 4 sa women’s volley puntirya ng Arellano U

ncaa volley

Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Center)
8:30 a.m. Arellano U
vs Lyceum (juniors)
10 a.m. Arellano U
vs Lyceum (men)
11:30 a.m. Arellano U
vs Lyceum (women)
1 p.m. JRU
vs Letran (women)
2:30 p.m. JRU
vs Letran (men)

PUNTIRYA ng Arellano University na makasungkit ng isang silya sa Final Four habang asinta naman ng Lyceum of the Philippines University na makasiguro ng playoff para sa semis sa krusyal na paghaharap ng dalawang koponan sa women’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament ngayon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.
Nakapagtala ng upset win ang Lady Chiefs laban sa nagtatanggol na kampeong St. Benilde Lady Blazers, 25-21, 25-21 at 25-21, noong Miyerkules para sa kanilang ikaanim na panalo sa loob ng pitong laro. Dahil dito ay nakakasiguro na ang koponan sa playoff para sa isang Final Four spot.
At kung mananaig ang Arellano laban sa Lyceum ngayon ay pormal na itong makakatuntong sa semifinal round.
Mag-uumpisa ang sagupaan ng Lady Chiefs at Lady Pirates ganap na 11:30 ng umaga.
Nangunguna pa rin sa torneyo ang San Sebastian College na may malinis na 7-0 kartada.
“We need to play as a team again to win,” sabi ni Arellano University coach Obet Javier.
Hindi naman nalalayo sa team standings ang Lyceum na may 5-2 baraha at naghahangad ng panalo para maipapasok na nito ang isang paa sa Final Four.
Sasagupain nito ang bigating San Sebastian sa Enero 23 sa pinakahuling laro ng eliminasyon. —Angelito Oredo

Read more...