Andrea Torres sinuswerte sa career, pinuri ng mga katrabaho sa ‘ARH’

andrea torres at dingdong dantes

WALA kaming masabi sa pagiging down-to-earth at humble ni Andrea Torres towards sa kanyang mga katrabaho, kabilang na ang production staff.

Sa kanyang Instagram post kasi, isang litrato niya kasama ang direktor ng GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood na si Dominic Zapata at ilan sa mga production men nito ang umani ng napakaraming likes sa kanyang followers.

Aniya, ilan daw sila sa mga rason kung bakit magaan ang taping nila sa top-rating series ng Kapuso Network. Kaya naman puro papuri rin ang maririnig mo mula sa mga ito about Andrea na gumaganap na Venus sa ARH. May nagsabi pa nga na kaya sinuswerte ang dalaga sa kanyang career ay dahil sa kabaitan nito at pagmamalasakit sa ibang tao.

Kinagiliwan naman ng netizens ang post na ito ni Andrea dahil para sa kanila, appreciative raw ang dalaga sa mga taong nakapaligid sa kanya hindi tulad ng ibang artista na selfish at walang pakialam sa feelings ng kanyang mga katrabaho.

Napapanood pa rin ang Alyas Robin Hood sa GMA Telebabad after Encantadia starring Dingdong Dantes, Megan Young, Sid Lucero at marami pang iba.

Read more...