ANG dynamic duo ng La Salle Green Archers at tatlong top players ng NCAA ang napili para sa Mighty Sports Collegiate Mythical Five na igagawad sa Enero 26 sa gaganaping Collegiate Basketball Awards sa Montgomery Place Social Hall, Quezon City.
Ang mga ito ay sina Ben Mbala at Jeron Teng ng reigning UAAP champion La Salle at mga NCAA players na sina Allwell Oraeme ng Mapua Cardinals, Javee Mocon ng San Beda Red Lions at Jio Jalalon ng Arellano University Chiefs.
Sila ang mga napili ng UAAP-NCAA Press Corps bilang mga pinakamahuhusay sa season na ito.
Dahil kabilang sila sa Mythical Five ay awtomatiko silang kandidato para sa Smart Player of the Year award sa kaganapang suportado ng Smart, Accel, Mighty Sports, MJM Productions at Chooks to Go.
Paparangalan naman bilang Coach of the Year sina Aldin Ayo ng La Salle at Jamike Jarin ng San Beda na kapwa hinatid ang kani-kanilang koponan sa kampeonato sa UAAP at NCAA.
Si Mbala ay nanalo bilang Most Valuable Player ng UAAP habang si Teng ay naboto bilang UAAP Finals MVP matapos na pangunahan ang Green Archers sa kanilang ika-9 na kampeonato sa liga.
Tinalo ng La Salle sa UAAP Finals ang karibal na Ateneo, 2-0.
Nauwi naman ni Oraeme ang ikalawa nitong sunod na NCAA MVP plum matapos naitulak ang Cardinals sa NCAA Final Four.
Si Mocon naman ay isa sa mga sinandalan ng San Beda sa NCAA Finals kung saan winalis nila ang Arellano na pinamunuan naman ni Jalalon.
Si Jalalon ay naglalaro na para sa Star sa PBA. —Angelito Oredo
Mbala, Teng pasok sa Collegiate Mythical Five
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...