Krusyal na panalo asam ng TNT, Phoenix

TNT, PBA, CASTRO

Mga Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
4:15 p.m. Mahindra vs TNT KaTropa
7 p.m. Phoenix Petroleum vs NLEX
Team Standings: San Miguel (8-1); GlobalPort (5-3); Rain or Shine (5-3); Blackwater (5-4); Ginebra (4-4); Alaska (4-4); Phoenix (4-4); TNT (4-4); Star (4-4); Mahindra (2-5); NLEX (2-6); Meralco (2-7)
MAY tig-apat na panalo na ang TNT KaTropa at Phoenix Petroleum habang may digalawang panalo pa lamang ang Mahindra at NLEX Road Warriors sa PBA Philippine Cup.
Magsasagupa umpisa alas-4:15 ngayong hapon ang TNT at Mahindra habang magtatapat naman ang Phoenix at NLEX dakong alas-7 ng gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Kapag nanalo ngayon ang TNT at Phoenix ay lalo pang malulubog sa team standings ang Mahindra at NLEX.
Pero hindi ito magiging madali para sa TNT dahil sasandalan ng Floodbuster sa laro ngayon ang bitbit nitong two-game winning streak.
“The confidence of Mahindra is high coming off back to back wins. They are making their shots at a really very high percentage,” sabi ni coach Nach Racela ng TNT KaTropa na galing sa 77-88 kabiguan kontra Star noong Linggo.
“So we must double our efforts in covering their shooters.”
Para manatiling buhay ang tsansa sa quarterfinal round ay kailangang maipanalo ng Mahindra ang natitira nitong apat na laro umpisa ngayong hapon.
Ito rin ang misyon ng NLEX na kapag natalo pa ngayon ay maglalaho na ang pag-asang umusad pa sa susunod na round.
Kasalukuyang tabla para sa ikalimang puwesto ang TNT at Phoenix kasama ang Barangay Ginebra, Alaska Milk at Star Hotshots.
Nangunguna pa rin ang San Miguel Beermen na may 8-1 kartada.
Nasa pangalawang puwesto naman ang GlobalPort Batang Pier at Rain or Shine na parehong may 5-3 baraha habang ang Blackwater Elite ay nasa solong ikaapat na puwesto na may 5-4 kartada. —Angelito Oredo

 

Read more...