Andanar at Esperon tumulak pa US para dumalo sa inagurasyon ni Trump

duterte-trump
UMALIS  sina Communications Secretary Martin Andanar at National Security Adviser Hermogenes Esperon papuntang Washington D.C para dumalo sa inagurasyon ni United States (US) President Donal Trump kung saan inaming may kanya-kanya silang misyon sa pagpunta sa Amerika.

“We will be performing our respective functions. We have side meetings too. The Charge D’ Affaires will officially represent President Duterte,” sabi ni Andanar.

Hindi naman ibinunyag ni Andanar ang misyon nila ni Esperon sa Amerika.

Ayon pa kay Andanar, may imbitasyon sila ni Esperon.

Nauna nang sinabi ni Andanar na hindi dadalo si Duterte sa inagurasyon ni Trump na nakatakda sa Enero 20.

Umalis sina Andanar at Esperon ganap na alas-11 ng umaga.

Idinagdag ni Andanar na nakatakda nilang iulat kay Duterte ang resulta ng kanilang pagtungo sa US.

Matatandaang nauna nang napaulat ang umano’y petisyon ng ilang grupo ng Filipino-American (Fil-Am) sa Amerika para mapatalsik si Duterte sa kanyang puwesto.

Read more...