Suporta sa Philippine Sports Institute umapaw

UMAPAW ang suporta sa paglulunsad ng Philippine Sports Institute (PSI) mula mismo kina Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. at Presidential Adviser on Sports Dennis Uy na nagsilbing panauhing pandangal sa paglulunsad Lunes sa Multi-Purpose Arena sa loob ng PhilSports Complex sa Pasig City.

Ipinaalam mismo ni Uy na hangad nitong makapangalap ng kabuuang P1 bilyon mula sa mga pribadong kompanya at korporasyon upang maipangtulong nito sa pagpapatakbo at pagpapalakad sa kauna-unahang institusyon na nakatutok sa sports sa bansa.

“When I met the President (Duterte), he asked me what I can do to help the sports and this is one way of helping. I am really committed to help raise a total of P1 billion for the PSI as a way of helping our elite athletes as well as our grassroots sports development program,” sabi pa ni Uy.

Dumalo mismo sa paglulunsad ang ambassador ng China at mga matataas na opisyales ng Korea Institute of Sports Sciences.

Ipinaliwanag naman ni Evasco, na dating campaign manager ni Pangulong Duterte, na iniatas mismo sa kanya ng presidente na tulungan ang ahensiya ng sports para mapataas ang kalidad ng mga atleta at coaches at suportahan ang grassroots sports mula sa kalunsuran hanggang sa kanayunan.

“We want sports to be of access to all Filipinos, not just for elite but to every Filipino,” sabi ni Evasco.

Dinaluhan naman halos ng lahat ng matataas na personalidad sa sports ang aktibidad kabilang sina dating Philippine Olympic Committee (POC) president Celso Dayrit, dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia at mga dating commissioner at mga pangulo ng national sports associations.

Binigyan din ng simbolikong plake sina Uy at Evasco ng PSC.

Read more...