Inaprubahan na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala upang maitaas ng Social Security System ang kinakaltas na kontribusyon sa mga empleyado ng pribadong sektor ng hindi humihingi ng pahintulot mula sa Pangulo.
Ito ng Kamara ang panukala, matapos na aprubahan ang resolusyon na nananawagan sa pagtataas ng buwanang pensyon ng SSS.
Sa botong 227-7 at isang abstention, inaprubahan ng Kamara ng House bill 2158. Sa ilalim ng panukala ay hahayaan na ang SSS na magdesisyon sa mga hakbang na kailangan nitong gawin ng hindi na kailangan pang ipagpaalam sa pangulo.
“Authorizes the SSC-SSS to determine the salary credits, schedule and rate of contribution and rate of penalty on unremitted contribution and unpaid loan authorizations without need for approval from the President of the Philippines,” saad ng key provision ng panukala.
Ang Social Security Council ay binigyan na rin ng kapangyarihan na pumasok sa kasunduan sa mga employer na hindi nagre-remit ng kontribusyon sa kanila.
Isa sa mga tumutol si Bayan Muna Rep. Isagani Zarate dahil gagamitin lamang umano ito ng SSS upang maitaas ang kontribusyon ng mga empleyado kailan man nila naisin.
“Authorizes the SSC-SSS to enter into compromise or to release any interest, penalty or any civil liability to SSS in connection with short and medium term loan to its members such as salary, educational, livelihood, marital, calamity and emergency loan, without need for approval from the President of the Philippines.”
Layunin umano ng HB 2158 na maging kaparehas ng SSS ang iba pang katulad nitong ahensya gaya ng Government Service Insurance System, Pag-IBIG Fund, at PhilHealth.
Samantala, inaprubahan na rin ng Kamara ang House Joint Resolution 10 upang itaas ang buwanang pensyon ng SSS.
Nauna nang inanunsyo ng SSS ang pagtataas ng P1,000 sa pensyon.
30
SSS contribution pwede ng itaas kahit walang basbas ng Pangulo
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...