MAGANDANG balita para sa mga motorista, magpapatupad ng bahagyang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis sa bansa epektibo mamayang hatinggabi.
Pinangunahan ng Flying V ang anunsiyo ng bawas presyo na 40 sentimo sa kada litro ng kerosene, 35 sentimo sa diesel at 20 sentimo naman sa gasoline na epektibo mamayang alas-12:01 ng hatinggabi.
Agad naman sumunod ang PTT na may bawas 35 sentimo sa diesel at 20 sentimo naman sa gasoline na epektibo alas-6:00 ng umaga bukas.
MOST READ
LATEST STORIES