CONFIRMED! Ang launching teleserye ng phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza ang magiging Valentine offering ng GMA para sa mga Pinoy all over the universe.
Kahapon, humarap sa entertainment editors ang mga executives ng Kapuso Network para ibalita ang mga magiging pasabog nila para sa Year of the Rooster at isa na nga riyan ang pinakaaabangang teleserye ng AlDub.
Ayon kay Lilybeth Rasonable, GMA Senior Vice President for Entertainment, hindi nila bibiguin ang milyun-milyong fans nina Alden at Maine dahil talagang binusisi at pinag-isipang mabuti ang concept at tema ng Destined To Be Yours na nakatakda ngang magsimula next month.
Gagampanan ni Alden ang karakter ni Benjie, a hardworking and charming architect na gustung-gustong mabili ang isang property na pag-aari ng pamilya ni Sinag to be played by Maine na isang mapagmahal na anak na nagtatrabaho sa isang radio station sa kanilang probinsya.
Isang environmentalist si Sinag at kilala siya sa kanilang lugar bilang mapagmahal at masayahing probinsyana. Kung paano magkukrus ang landas nina Maine at Alden sa istorya, ‘yan ang dapat n’yong abangan.
Makakasama ng AlDub sa Destined To Be Yours sina Lotlot de Leon, Gardo Versoza, Dominic Roco, Sheena Halili, Ina feleo, Juancho Trivino, RJ Padilla, Koreen Medina at Boots Anson Roa. Ito rin ang magiging comebck project ni Janice de Belen sa GMA makaraan ang ilang taon. Ito’y sa diresyon ni Irene Villamor.