Horoscope, January 16, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2017 kung laging magsusuot ng green may kakaibang suwerteng darating. Sa kulay na berde mas maraming salapi ang matatanggap. Sa pag-ibig, muling makikipag-ugnay ang matagal na nawala. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Shaddai.” Blue at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Mapapasayo ang tagumpay sa taong, basta’t ikilos lang ang anomang balakin sa isipan. Sa negosyo, aksyon agad ang dapat. Sa pag-ibig, hindi ka magiging maligaya kung laging may takot sa iyong puso! Mapalad ang 4, 19, 29, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Harim-Om-Haram.” Pink at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Sa taong ito ng 2017 wag hayaang manaig ang damdamin! Upang kumita ng malaking halaga, utak ang gamitin. Sa pag-ibig, sa sandaling naging emosyonal, muli na namang papatak ang luha. Mapalad ang 1, 10, 27, 33, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Green at black ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa pinansiyal, sa biglaang desisyon at aksyon mala-king suwerte ang makakamit. Sa pag-ibig, wag babagal-bagal, sa sandaling nagpakita ng motibo ang kasuyo – tuklaw agad! Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Lilac at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa taong ito ng 2017 siguraduhin may feasibility study ang papasuking negosyo bago maglabas ng pera. Sa pag-ibig, ngayon palang ipadama na ang mga bagay na nagpapaligaya sa kasuyo. Mapalad ang 6, 9, 23, 29, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govinda-Om.” Blue at gray ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Wag mag mayabang. Sa patuloy na pagpapakumbaba, sa taong ito ng 2017 higit kang kikita ng maraming salapi at sa pag-ibig tuloy-tuloy parin ang liligaya. Mapalad ang 1, 13, 19, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Savitra-Om.” Green at golden yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa taong ito ng 2017 mahalin ang kasuyo ga-yon din ang sarili! Panatiliing malusog ang katawan, upang hindi na gumastos ng malaking halaga sa pagpapa-ospital at pambili ng mamahaling gamot. Mapalad ang 5, 18, 23, 37, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Red at white ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Negosyong may kaugnayan sa pagkain ang iaalok ng isang kaibigan, upang kumita ng malaking halaga – sunggab agad! Sa pag-ibig, magte-text, ang dating kasuyo – na mi-miss ka na naman niya! Mapalad ang 6, 18, 23, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Gray at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Simulan ang 2017 ng may malinis na puso. Batiin na ang mga kagalit. Kapag lagi kang masaya mas mabilis na madodoble ang kita. Sa pag-ibig, kalimutan na ang pagkakamali ng kasuyo upang maging happy kayong muli. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Orange at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa negosyo, laging sabihin sa sariling: “Kikita ako ng malaking halaga!” Makikita mo, yon nga ang kusang mangyayari! Sa pag-ibig, wag mag-isip ng masama sa kasuyo, ang totoo mahal na mahal ka nya! Mapalad ang 6, 17, 23, 25, 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum!” Violet at magenta ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa taong ito ng 2017 may bagong pagkakakitaang matutuklasan. Sa pag-ibig, isang tigang na Cancer ang magpapasin – sunggaban mo agad! Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhuvah-Bhanah-Om.” Red at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Hangga’t hindi nalilimot ang nakaraan, magiging alipin ka ng kasawian. Ang Bagong Taon na ito ang pinaka-mabuting simula upang limutin na ang kahapon. Sa pinansiyal, tapos na ang pagkalugi. Sa pag-ibig, magbagong buhay na ngayon! Mapalad ang 4, 13, 22, 28, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitra-Om.” Yellow at white ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Sa taong ito ng 2017 magbagong simula ka. Bagong negosyo at bagong kalakal ang dapat. Sa pag-ibig mag hanap din ng bagong mamahalin na may stable job o kaya’y may mina-manage na negosyo upang mas mabili na umunlad ang inyong pamilya. Mapalad ang 2, 10, 19, 28, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at beige ang buenas.

Read more...