Makapagsi-seaman na taong 2017

Sulat mula kay Bernard ng San Agustin,
Libon, Albay
Dear Sir Greenfield,
Matagal na akong nag-aaplay sa barko since 2015 at 2016 pa, pero hindi pa rin ako sunusuwerteng matawagan ng mga pinag-aplayan ko. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong makapag-barko? Dati na po akong nag-seaman ang kaso local lang ang mga barkong nasasakyan ko at fishing vessel pa at maliit lang ang suweldo. Sa palagay nyo matutuloy na ba ako sa taong ito ng 2017 at may magandang Travel Line ba sa akong palad? January 28, 1987 ang birthday ko.
Umaasa,
Bernard Libon,
Albay
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw namang Travel Line sa i-yong palad (Illustration 2-2 arrow 2.) kaya lang ay medyo nasa gitna ang pag sulpot ng nasabing guhit ng paglalakbay. Ibig sabihin mula edad mong 29 pataas, hindi ka pa nga makapag-aabroad, pero pagsapit ng edad mong 30 pataas, tulad ng nasabi na kusa ng mangyayari ang mga pangingibang bansang sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
King of Diamonds, Seven of Clubs at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling nakapag-abroad ka sa taong ito ng 2017, tuloy-tuloy na ito at marami pang pagbabarko at pag-aabroad na itatala sa i-yong karanasan hanggang sa tuluyan umunlad ng umunlad ang inyong kabuhayan at sa bandang huli ay ang pagyaman.
Itutuloy…

Read more...