Angeline di pa nakaranas ng laplapan sa tunay na buhay

angeline quinto

NAKIPAGLAPLAPAN si Angeline Quinto kay Jake Cuenca sa “Foolish Love.”

“Wala naman akong ibang ginawa. Sinunod ko lang ‘yung sinabi ni direk Joel (Lamangan) na kailangan ko pong makipaghalikan kay Jake,” say ng dalaga. Aniya pa, panahon na para “mag-try ka ng mga bagay na hindi mo pa nasubukan.”

Malaking tulong ang director niyang si Joel Lamangan at leading man na si Jake para mapapayag siyang gawin ang eksena.

“Sobra din naman ‘yung tiwala ko kay direk Joel na hindi niya ako pababayaan sa mga eksena na nagawa namin sa pelikulang ito. Si Jake, sobra ‘yung pag-alalay niya sa ako doon sa mga eksena na first time kong gawin lalo na doon sa mga kissing scene namin.

“Medyo kinakabahan ako kasi first time kong ginawa, eh. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na gagawin ko pero alam ko naman na si Jake ay magaling doon. Ipinaubaya ko na sa kanya lahat,” she said.

Aminado naman si Angelina na ninerbyos siya sa scene, “Noong una ay medyo natakot ako, eh, kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi pa naman, pero nakakanood ako. Iba ‘yung feeling na gagawin mo sa pelikula na na-experience mo na sa totoong buhay. Siguro mas magiging madali. Siguro kaya din ako medyo nahirapan at natakot ako kasi hindi ko nasubukan sa totoong buhay.”

Read more...