Coco naghahanap ng local talents para sa ‘Ang Probinsyano’

coco martin at onyok pineda

INAALAT talaga si Cardo Dalisay ang karakter ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano na ang bagong pangalan sa serye ay Raul. Nahuli kasi siya habang natutulog kasama si Palumi (na disguise naman ni Onyok).

Nabasa kasi ng mga kasama nina Raul at Palumi sa cabin ang pahayagang may litrato ni Cardo na isa nang wanted sa batas. Nagkainteres ang mga ito dahil malaki ang pabuya sa makapagtuturo kay Cardo.

Sakto habang natutulog sina Raul at Palumi ay nahulog naman ang wig ng una kaya nakilala siya ng mga naroon at sabay turo sa mga tauhan ng barko patungong Cebu na una nilang destinasyon.

Mahusay ding umarte ‘yung dalawang talent na nagpahuli kina Cardo at Onyok, ito kaya ‘yung mga bagong diskubre ng aktor na local talent ng Cebu?

Nabanggit kasi ni Coco sa nakaraang thanksgiving presscon niya na gusto niyang dumiskubre ng bagong mukha na puwede niyang isama sa Ang Probinsyano.

Aliw na aliw kami kami sa itsura nina Raul at Palumi sa napakakapal nilang wig. Anyway, tuluyan na kayang mahuhuli sina Raul at Palumi? Sa Lunes ang karugtong.

Read more...