HINDI siniseryoso ang Philippine National Police (PNP) chief na si Ronald “Bato” dela Rosa ng kanyang mga tauhan kaya’t nagmukhang tanga siya sa paghahanap sa isang pulis na sangkot diumano sa kidnapping ng isang Korean businessman.
Ipinag-utos ni Bato ang pagsurender ni SPO1 Ricky Sta. Isabel na pinaghihinalaan na isa sa mga kumidnap kay Jee Ick-joo.
Sinabi ni Bato na kapag hindi sumurender si Sta. Isabel, siya’y papatayin.
“There is a big chance this idiot is guilty,” sabi ni Bato dahil siya’y nagtatago.
Pero nailipat na pala si Sta. Isabel sa Personnel Holding and Accounting Unit sa Camp Crame.
“Hindi ako nagtatago. Handa akong harapin ang kasong isasampa nila sa akin,” ani Sta. Isabel.
Kung gayon, bakit hindi alam ni Bato na ang nawawalang pulis ay nasa Camp Crame lang pala?
Bakit hindi siya sinabihan ng kanyang mga tauhan na nasa Camp Crame lang ang pulis na kanyang pinaghahanap.
Nagtatag pa si Bato ng ilang grupo upang hanapin si Sta. Isabel.
Yan ang nahita ni Bato sa paghahamon ng suntukan o barilan sa mga tauhan niya.
Alam nilang nagbibiro lang siya sa paghahamon niya sa kanila.
Pa-showbiz effect, ba!
Kaya’t hindi siya ginagalang ng kanyang mga tauhan at binabalewala ang kanyang mga utos.
Patay-malisya sila sa utos na hanapin si Sta. Isabel samantalang alam nila na ito’y nasa Camp Crame lang at hindi nagtatago.
Hinahabol ng PNP ang mga kriminal at ibang mamamayang lumabag ng batas, pero hindi nililinis ng liderato ng PNP ang kanilang bakuran.
Hindi pinatatawad ng PNP ang mga sibilyan na lumabag ng batas pero hinahayaan ang mga bulok na miyembro.
Matapos na makilala si Sta. Isabel na isa sa mga kumidnap sa Korean na si Jee Ick-joo, dapat sana’y inaresto agad siya at ikinulong habang iniimbestigahan tungkol sa kaso.
Pero ano ang ginawa ng PNP kay Sta. Isabel? Pinareport ito sa isang unit na ang mga miyembro ay mga kaso at kinalimutan na siya’y inilagay doon.
Kaya’t nang nagtanong si Dela Rosa kung nasaan ang pulis na “kidnapper,” wala nagsabi sa kanya kung nasaan ito.
Nagtatakipan kasi ang mga pulis sa isa’t isa.
Panahon na upang ipag-utos ni Pangulong Digong sa PNP at sa National Police Commission (Napolcom) na bilangin ang mga pulis na nahaharap ng mga kasong administratibo at kriminal.
Baka magtaka ang Presidente sa dami ng pulis na may kaso sa buong bansa na dapat sana ay natiwalag na o nakulong na.
Kailangang malaman ni Presidente ang bilang ng mga pulis na may kaso upang ipag-utos niya na bilisan ang pagresolba sa mga kaso.
Kabilang sa mga pulis na dapat ay nilitis na sa korte pero nakatakas sa pamamahala ng PNP ay limang kawani ng Highway Patrol Group sa Cebu na kinasuhan ng multiple murder.
Hindi pinaghahanap ng PNP sina Senior Supt. Romualdo Iglesia, Chief Insp. Eduardo Mara, Senior Insp. Joselito Lerion, SPO4 Edwin Galan at PO1 Alex Bacani upang maiharap sa hukuman.
Ganyan ang PNP: hindi pinaparusahan ang mga miyembro na tiwali.
Anong gagawin sa mga pulis na mga abusado at nagkasala sa batas?
Kinakailangang mabilis ang pagdinig ng kanilang administrative cases upang mapawalang-sala sila o maitiwalag sa serbisyo.
Yung mga sangkot sa heinous crimes gaya ng kidnapping, drug trafficking, hijacking, carnapping, robbery, rape at murder-for-hire ay dapat isalvage ng mga “vigilantes.”
Isang pulis na miyembro ng akyat-bahay sa Maynila ay binaril ng riding-in-tandem matapos siyang dumalo ng kanyang administrative hearing sa Fort Bonifacio.
Di, nabawasan ang problema sa mga pulis na gago nang sinalvage ang akyat-bahay na pulis.
Kapag alam ng mga pulis na may uusig sa kanila kapag sila’y nang-abuso sa mga sibilyan, titino ang mga ito.
Wala nang ibang paraan kundi marahas na solusyon upang mapatino ang PNP.