Mga Laro sa Miyerkules
(Filoil Flying V Center)
8:30 p.m. Arellano vs Lyceum (juniors)
10 a.m. Arellano vs Lyceum (men’s)
11:30 a.m. Arellano vs Lyceum (women’s)
1 p.m. JRU vs Letran (women’s)
2:30 p.m. JRU vs Letran (men’s)
IPINAMALAS ng University of Perpetual Help sa tulong nina Cindy Imbo at Ma. Lourdes Clemente ang lakas upang talunin sa straight sets ang Lyceum of the Philippines University, 25-21, 29-27, 25-23, at panatiliing buhay ang tsansa sa Final Four sa women’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City Biyernes.
Una munang nahirapan sina Imbo, na siyang team captain ng Lady Altas, at Clemente na mailabas ang kanilang laro na agad nagpuwersa kay Perpetual Help coach Sammy Acaylar na humanap ng ipapalit dito sa laro.
Mabuti na lamang at nagpamalas ng husay sina Jamela Suyat, Coleen Bravo at Jowie Albert Versoza sa pagtatala ng 19, 13 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod upang itulak ang Lady Altas sa ikaapat na panalo sa pitong laro.
Nag-ambag din ang mga reserve na sina Maria Aurora Tripoli at Shyra Mae Umandal sa pagtala ng tig-11 hits pati na rin tulong sa depensa.
“I have faith in all my players, that they will deliver if given a chance,” sabi ni Acaylar, na katatalaga lamang bilang national men’s team coach na sasabak sa aksyon sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games ngayong Agosto.
Kailangan naman ng Las Piñas-based school na biguin ang Jose Rizal University sa Enero 18 at Arellano University sa Enero 25 para manatiling buhay sa labanan sa Final Four.
“We know in our hearts that we’re still in it, we just have to believe,” sabi ni Acaylar.
Nahulog ang Lady Pirates sa 5-2 panalo-talong record.
Una naman tinalo ng Emilio Aguinaldo College ang Mapua Institute of Technology, 25-18, 25-13, 26-24, sa labanan ng mga wala pang panalong koponan.
Nanatili naman ang Mapua sa labanan sa Final Four matapos biguin ang EAC, 25-21, 25-22, 14-25, 25-15.
Umangat sa 5-3 marka ang Cardinals habang nahulog ang Generals sa 0-8 kartada.